Lalaking umawat, sinaksak sa singit ng kawalwalan

Lalaking umawat, sinaksak sa singit ng kawalwalan

October 6, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ang isang 32-anyos na binatang helper matapos saksakin sa singit ang kainumang 40-anyos na lalaking umawat sa kanyang pagwawala sa bayan ng Norzagaray.

Kinilala ang suspek na si Joel Alvarado habang ang biktima ay si Renante Siervo, may-asawa, scaffolder, kapwa residente ng Brgy. Matictic.

Sa report ng Norzagaray police, nangyari ang insidente bandang alas-6 ng gabi nitong Oktubre 5, sa Sitio Dynamite, Brgy. Matictic.

Ayon sa report, sa kasagsagan ng inuman, walang kaabog-abog na nagalit ang suspek sa kanyang kapatid na babaeng itago sa pangalang “MC”.

Sa sobrang galit ay pumunta ang suspek sa kanyang kusina na kumuha ng kutsilyo hanggang sugurin at tangkaing saksakin ang kapatid.

Dahil dito, humarang ang biktima na sinubukang agawin ang kutsilyo hanggang sila ang nagpangbuno at masaksak ito ng suspek sa kanyang singit.

Nang humupa ang gulo ay itinakbo ang biktima sa Norzagaray Municipal Hospital para sa paunang lunas at inilipat kalaunan sa East Avenue Medical Center.

Naaresto naman sa ikinasang follow up operation ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III