Lalaking wanted sa pagnanakaw, nabitag sa Malabon

Lalaking wanted sa pagnanakaw, nabitag sa Malabon

January 25, 2023 @ 1:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Shoot sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na wanted sa kasong pagnanakaw matapos madakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Cris John Orcullo alyas John Orcullo “Jaja”, 30 at residente ng resident of 1287-80 Dulong Bronze, Barangay Tugatog.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police mula sa isang impormante na naisapatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Major Alfredo Agbuya ng manhunt operartion in relation to Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na nagresulta sa pagkakaaresto kay Orcullo sa kanyang bahay dakong alas-11:00 ng umaga.

Ani P/Major Agbuya, si Orcullo ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 55 noong August 31, 2022 para sa kasong Theft. Boysan Buenaventura