Lalaking wanted sa rape, arestado sa Navotas

Lalaking wanted sa rape, arestado sa Navotas

November 3, 2022 @ 3:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinelda ang isang lalaking most wanted sa kasong panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang arestadong akusado bilang si Evegar Garcia, 31 ng No. 138 Marikit St., Brgy. Tanza 1, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon na nakita ang presensya ng akusado sa kanilang bahay.

Alinsunod sa kampanya ng pulisya kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga tauhan ng WSS at Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:05 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Gacia ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong April 18, 2016 ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City para sa kasong Rape. Boysan Buenaventura