Lalisa, 1st win!

Lalisa, 1st win!

September 17, 2021 @ 7:14 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – ‘Yan mismo ang trending hashtag ngayon sa Twitter dahil nagbubunyi ang BLINKs (fans ng Blackpink) sa pagkapanalo ng song ni Lisa na “LALISA”.

Ngayon kasi, September 17 ay nag-number 1 ang song ng rapper, singer at dancer Blackpink member na si Lisa sa Korean music show na Music Bank!

Ayon sa ilang fans, na-beat ni Lisa ang rekord bilang kauna-unahang foreign soloist (dahil may dugong Thai si Lisa) na manalo sa isang Korean music show.

Sa pagkapanalo ni Lisa, ibig sabihin lang nito ay namayagpag siya in terms of criteria ng Music Bank.

Kasama kasi sa pinagbabasehan nito ay ang digital sales, physical sales, music broadcast at viewers choice!

Nanalo si Lisa against “Stereotype” na new song naman ng Kpop group na STAYC.

Congrats Lisa! RNT


  •  
  •  
  •