Lambda COVID variant ‘di pa natutuklasan sa Pinas – DOH

Lambda COVID variant ‘di pa natutuklasan sa Pinas – DOH

July 6, 2021 @ 10:22 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hindi pa natutuklasan ang Lambda strain na mas nakahahawa katulad ng Delta variant, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Hanggang ngayon ay wala pa tayong nadi-detect na ganitong klase ng variant sa bansa,” sinabi ni Vergeire sa isang panayam sa GMA News.

Kinonsidera ng World Health Organization (WHO) ang Lambda strain bilang “variant of interest.”

“Ibig sabihin iba po ito dun sa mga variants of concern. Itong variant of interest na ito sabi nila may attributes din na katulad nung sa Delta variant,” ani Vergeire.

Batay sa ilang ulat, mas nakahahawa tulad ng Delta at Alpha variant ang Lambda strain.

Ayon sa opisyal, wala pang pag-aaral ukol sa bagong variant.

Nakarating na sa 30 bansa ang Lambda variant.

Giit ni Vergeire, istriktong border control ang kailangan upang maiwasan ang pagpasok ng bagong variant sa bansa.

Nakapagtala pa dalawang kaso ng Delta variant sa bansa mula sa balikbayan.

“‘Yung Delta variant are still being detected at our borders. Sa tingin natin ay nagiging maayos ang protocol natin because we are able to capture them sa pagpasok pa lang ng bansa,” aniya.

“Ang may local transmission lang dito sa bansa would be Alpha and Beta variants,” dagdag nito.

Hinimok din ni Vergeire ang mga lokal na pamahalaan na may pantalan na sundin ang iisang protocol upang maiwasan pa ang pagpasok ng mga variant sa bansa. RNT/ELM