Lamentillo nag-donate ng sariling libro sa Nat’l Library

Lamentillo nag-donate ng sariling libro sa Nat’l Library

December 4, 2022 @ 1:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ng kopya ng sariling libro si Anna Mae Yu Lamentillo, undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at dating Build, Build, Build committee chair, sa National Library of the Philippines.

Ang naturang libro na may titulong “Night Owl” ay nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang pampublikong silid-aklatan sa buong bansa.

Pormal itong tinanggap ni National Library Director Cesar Gilbert Adriano kung saan ang aklat na “Night Owl” ay nagkikwento ng mga ginawa upang umunlad ang buhay ng mga Filipino sa ilalim ng Build, Build, Build — isang infrastructure program na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama din sa libro ang digital infrastructure agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“In distributing ‘Night Owl’ to our public libraries, we hope to share with more Filipinos the story of our progress as a nation, specifically how increased investments on infrastructure projects helped pump prime the economy and improved the lives of many Filipinos, mainly through better access to essential services and opportunities for livelihood, improved connectivity, and enhanced traffic mobility,” pahayag ni Lamentillo.

“We also want to share how we were able to overcome the challenges that came with such an ambitious program, and how political will and the strong desire to provide Filipinos what is due them helped propel the whole Build, Build, Build team to accomplish 29,264 kilometers of roads, 5,950 bridges, 11,340 flood mitigation structures, 222 evacuation centers, 150,149 classrooms, 214 airport projects, and 451 seaport projects in a period of five years,” dagdag pa niya.

Umaasa si Lamentillo na sa pamamagitan ng “Night Owl” ay marami pang makakita ng kahalagahan ng mga infrastructure developments na ito.

Maitutulad din ang “Night Owl” sa isang progress report ng Build, Build, Build ng nakaraang administrasyon partikular na ang mga nagawa ni dating Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH). RNT/JGC