Lampas 5K na COVID asahan sa pagtatapos ng holiday season – Solante

Lampas 5K na COVID asahan sa pagtatapos ng holiday season – Solante

December 24, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ang mga projection ng COVID-19 para sa bansa ay nagpapakita na ang mga kaso ng sakit ay posibleng lumampas sa 5,000 pagkatapos ng kapaskuhan, ayon kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert.

Sinabi ni Solante na ang Pilipinas ay nagdudulot ng mas matatag na population immunity ngayong holiday season.

“I think we will not reach 25,000 or 30,000 [cases] which happened last January of this year because of [the] Omicron variant. If there will be [an] uptick of cases, I think this will not be more than 3,000 or 5,000. And this is something that, more or less, manageable and well –I don’t think we will be getting more than 5,000 cases after the holidays,” saad ng health expert.

Binanggit ni Solante na kahit may posibilidad ng pagtaas, ang sitwasyon pagkatapos ng bakasyon ay maaari pa ring pamahalaan.

Aniya, may posibilidad na tumaas ang mga kaso pero mas stable na ang sitwasyon ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan dahil mas mataas ang ating population immunity, marami ang nabakunahan at nakatanggap ng kanilang booster doses.

“There’s a possibility that the cases will increase. But for me, I think our situation now is a bit more stable compared to previous months for reasons that our population immunity is higher, many were inoculated, many have received their booster doses,” dagdag pa niya.

“The way we handled 2022 was more than enough, that we were able to decrease our hospitalization rate; there’s a low number of severe cases, despite the fact that our boosted population is not that high,” ayon pa kay Solante. Jocelyn Tabangcura-Domenden