Lampungan nina Sharon at Rowell, inalmahan!

Lampungan nina Sharon at Rowell, inalmahan!

July 27, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng mga diehard Sharonians ang eksenang loving-loving ng kanilang idolo at dati nitong nobyong si Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa mga masugid nitong tagasubaybay, ang inakalang karakter ni Sharon Cuneta ay buhay at ligtas sa kamatayan.

Bagama’t ikinatuwa ito ng kanyang mga fans, hindi naman nila pinatawad ang mainit na eksena ng Megastar kung saan kaniig niya si Rowell.

Anila’y sana raw ay ginawa na lang suggestive ang lampungan ng mga ito.

Nakakainsulto raw ‘yon kay Senator Kiko Pangilinan na asawa ni Sharon.

Kung may mga dismayado, marami rin ang dumepensa sa mag-asawa.

Batid daw ni Kiko ang trabaho ni Sharon bago pa man niya ito pinakasalan.

Kilala ring professional si Sharon na ginagampanan lang ang kanyang papel nang buong husay.

Sa pelikula nga raw niyang Revirginized ay mas matindi pa ang mga eksena ni Sharon.

Higit sa lahat, matagal na raw na panahong walang relasyon sina Sharon at Rowell, so anong malisya meron sa kanilang eksena?

Come to think of it. Ronnie Carrasco III