Lanao del Sur gov ambush, ‘solved’ na – PNP   

Lanao del Sur gov ambush, ‘solved’ na – PNP   

March 14, 2023 @ 7:39 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong suspek sa Bukidnon noong Biyernes, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang shooting incident kung saan target si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. ay itinuturing nang “solved.”

Sa press briefing nitong Lunes, inihayag ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na kilala ang mga nahuling suspek bilang mga miyembro ng Gandawali group na sangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad sa mga bayan sa pagitan ng Lanao del Sur at Bukidnon.

Sinabi niya na sangkot ang grupo sa marijuana cultivation, robbery, at gunrunning.

Base pa kay Azurin, lumabas sa police investigation na nagtago ang mga suspek sa isang Lumad community sa Kalilangan matapos ang pananambang sa Maguing, Lanao del Sur noong Feb. 17.

Sa nasabing ambush, sa Kalilangan, Bukidnon nagtamo ng sugat si Adiong habang nasawi ang apat niyang kasama. Kinabukasan nang maganap ang krimen, isa sa mga suspek na kinilalang si “Otin” ang napatay sa engkwento sa mga pulis.

Samantala, kinumpirma rin ng PNP na isa ang business rivalry sa mga posibleng motibo sa likod ng pag-atake kay Aparri vice mayor Rommel Alameda noong Feb. 19.

Isa si Alameda sa anim na indibidwal na napatay sa shooting incident sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Iginiit ng mga pulis na ipagpapatuloy nito ang operasyon laban sa loose firearms, organized crime groups, at pagbuwag sa private armed groups. RNT/SA