Lanao, N. Vizcaya ambush, sampal sa mukha ng pulisya – Revilla

Lanao, N. Vizcaya ambush, sampal sa mukha ng pulisya – Revilla

February 20, 2023 @ 5:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinawag ni Senador Ramon Revilla nitong Lunes, Pebrero 20, na sampal sa mukha ng mga awtoridad ang magkakahiwalay na pag-atake sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan partikular na sa Lanao del Sur at Nueva Vizcaya.

Kasabay nito ay mariing kinondena ng senador ang marahas na insidenteng ito noong weekend.

Matatandaan na nasawi si Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan at lima iba pa nang tambangan ang mga ito sa Nueva Vizcaya nitong Linggo, Pebrero 19 habang sugatan naman si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. at dalawa iba pa sa pag-atake naman sa kanyang probinsya noong Biyernes, Pebrero 17. Nagresulta ito sa pagkasawi ng apat niyang tauhan.

“Kasuklam-suklam. Karumal-dumal. Wala itong lugar sa isang sibilisadong lipunan. Violent incidents like this continue to create havoc and fear among our people. Kailangan nang matuldukan ng tuluyan ang ganitong mga pangyayari,” pahayag ni Revilla.

“This is a slap in the face of our law enforcement instrumentalities,” dagdag pa ng senador.

“The Philippine National Police (PNP) should spare no effort in hunting down the perpetrators and masterminds and immediately bring them to justice. Kailangan ipakita ng pulisya na kaya nilang panatilihan ang kaayusan sa ating bansa,” pagpapatuloy ni Revilla.

Hinimok naman nito ang PNP na maging “proactive in maintaining peace and order, not reactive.”

“You should always be steps ahead to prevent evil people from causing harm to our people. It is high time for you to step up, because every time you fail to act on your mandate, lives are at stake to be lost,” sinabi pa ni Revilla.

Nakiramay naman ang senador sa pamilya ng nasawing vice mayor at ng iba pang mga nasawi sa magkahiwalay na gun attack. RNT/JGC