Land travel sa E. Visayas suspindido sa banta ng bagyo

Land travel sa E. Visayas suspindido sa banta ng bagyo

December 14, 2021 @ 12:54 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Kanselado ang land travels sa silangang Visayas simula ngayong araw, alas-8 ng umaga, maliban sa mga nasa daan na, sanhi ng banta ng Tropical Storm Rai, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nakasaad sa isang abiso na ipinasa ng NDRRMC sa Eastern Visayas regional directors at heads, na saklaw lamang ng suspensyon ng biyahe ang mga mula sa Mindanao at Luzon.

Ito ay alinsunod sa paghahanda para sa bagyo na tatawaging “Odette” kapag pumasok na ito sa Philippine area of responsibility (PAR) na posibleng Martes ng gabi.

Samantala, patuloy naman ang sea travel hangga’t hindi naglalabas ang awtoridad ng temporary suspension of port operations, dagdag ng NDRRMC.

“This action is to prevent the unwanted movement, surge, and build-up of individuals and vehicles in ports and terminals due to the cancellation of sea trips due to unfavorable weather conditions,” saad sa abiso.

Nitong Lunes, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng isang memorandum circular, na suspindihin ang biyahe patungong Visayas at Mindanao simula Lunes, alas-6 ng gabi.

Gayundin, kanselado ang biyahe patungong Catanduanes at Masbate simula Martes, alas-9 ng umaga.

Ayon sa LTO, “This is to prevent possible damage to both life and property,” na maaaring idulot ng bagyo at upang maiwasana ng stranded vehicles sa Maharlika Highway.

“All suspensions will be automatically lifted once Tropical Depression Wind Signals from said areas are lifted,” ani LTO regional director Francisco Ranches Jr. RNT/SA