LandBack ‘di na-hack; mga gurong nawalan ng pera nabiktima ng phishing

LandBack ‘di na-hack; mga gurong nawalan ng pera nabiktima ng phishing

January 25, 2022 @ 7:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Itinanggi ng LandBank of the Philippines, Lunes, na na-hack ang kanilang sistema, at sinabing ang nga guro na nawalan ng per ay dahil sa ‘isolated’ phishing schemes.

Sa isang pahayag ng LandBank  siniguro nito ang kanilang kustomer na nananatiling ligtas ang kanilang mga pera maging ang kanilang mga personal na impormasyon.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga nabiktimang kustomer para maayos ang isyu.

“According to the initial investigation by LandBank, the devices of the teachers were hacked via phishing which compromised their personal information,” ayon sa state-led lender.

“The bank has already reached out to the affected customers and is working on the resolution of these isolated cases at the soonest possible time,” dagdag pa ng bangko.

Ang komento ng LandBank ay tugon sa pahayag ng Teachers’ Dignity Coalition na nakatanggap umano sila ng maraming reklamo kung saan umabot umano sa P121,000 ang nawalang pera bawat isang guro mula sa kanilang LandBank accounts.

“LandBank reminds its customers to refrain from opening suspicious emails, links and attachments, and sharing your account and personal information. Official LandBank representatives will never ask for the crucial financial information of customers,” saad sa abiso ng LandBank. RNT