LandBank naglaan ng P10B lending fund para sa PUV modernization

LandBank naglaan ng P10B lending fund para sa PUV modernization

March 6, 2023 @ 9:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng state-run Land Bank of the Philippines nitong Linggo na tinaasan nito ang lending program funding para sa transport cooperatives at corporations sa P10 bilyon, para makatalima sila sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Inihayag ng LandBank na dinagdagan nito ang pondo para sa Special Package for Environment-Friendly and Efficiently-Driven Public Utility Vehicles (SPEED PUV) program sa ikatlong pagkakataon mula sa initial funding na P1.5 bilyon.

Sa ilalim ng programa, maaaring humiram ang eligible borrowers hanggang 95 porsyento ng kabuuang acquisition cost ng modern PUK na may interest rate na 6% kada taon o 0.5% kada buwan, na maaaring bayaran hanggang pitong taon.

Gayundin, kalakip nito ang subsidy na P160,000 kada sasakyan mula sa national government para sa units na klasipikado sa ilalim ng Class 1, 2, 3, at 4 category models.

“LandBank continues to extend much-need financial support to assist drivers and operators upgrade their fleet, in line with the national government’s transport modernization agenda,” pahayag ni LandBank President at CEO Cecilia Borromeo.

“We remain committed to the improvement of the country’s public transport system for the benefit of both transport operators and the riding public,” dagdag niya.

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na tuloy ang PUV Modernization Program, sa kabila ng oposisyon ng transport stakeholders.

Samantala, umarangkada naman ngayong Lunes ang week-long transport ng PUV groups mula March 6 hanggang 12, upang ihayag ang pagtaliwas nito sa programa. RNT/SA