Landbank, pinayuhang itigil ang outsourcing ng cash loading sa ATM- COA

Landbank, pinayuhang itigil ang outsourcing ng cash loading sa ATM- COA

July 24, 2018 @ 10:22 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinatitigil ng Commission on Audit (COA) ang outsourcing ng cash loading sa Land Bank of the Philippines (LBP) kasunod ng lumalaking bilang ng reklamo tungkol sa walang lamang automatic teller machines (ATMs).

Tinawag ng COA pansin ng LBP upang ipatigil ang pagbibigay ng cash loading task sa mga third party.

Sa annual audit report noong 2017, sinabi ng COA sa LBP na, “consider terminating the ATM outsourcing activities” sa hindi pinangalanang service provider “at the end of the contract in August 2019.”

Binigyan diin din ng mga auditor na ang budget na inilalaan sa outsourcing services ay maaaring gamitin para bumili ng sariling armored cars para mag-deliver ng pera.

Nag-isyu na rin ang COA ng mga rekomendasyon matapos lumabas ang findings na ang mga service provider ay walang access sa ATM monitoring facility ng LBP upang makita kung ano ang mga status ng mga unit.

Sinabi rin dito na sa National Capital Region, sa 268 ATM units umaabot ang downtime nito ng nasa 1.35-oras hanggang sa 15-araw. (Remate News Team)