Landslide, baha tumama sa 22 barangay ng Zamboanga City

Landslide, baha tumama sa 22 barangay ng Zamboanga City

October 29, 2022 @ 2:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Paeng, binaha at nagkaroon pa ng landslide sa 22 mga barangay sa Zamboanga City.

Sa ulat ng city government nitong Biyernes, Oktubre 28 ay libo-libong pamilya ang kinailangang ilikas mula sa 22 mga barangay:

Ayala
Tulungatung
San Jose Gusu
Tugbungan
Tictabon
Maasin
Sta Catalina
Zone 3
Putik
Recodo
Guiwan
Sinunuc
Pamucutan
San Roque

Samantala, ang mga barangay ng Baluno, Calabasa, La Paz, Limpapa at Pamucutan ay apektado naman ng landslide.

May mga naiulat din na tumumbang puno sa barangay Tetuan, Sta. Maria at Canelar.

Maliban dito, nakaranas naman ng storm surge ang Barangay Campo Islam.

Samantala, nagbabala ang water district ng lungsod ng posibilidad ng pagtaas sa lebel ng tubig sa Pasonanca intake dam makaraang umabot na sa 77.5 meters o “critically above normal” ang water level, Biyernes ng gabi.

Dahil dito ay patuloy na nagbabala ang mga awtoridad ng posibilidad ng mga pagbaha lalo na sa mga low-lying areas malapit sa ilog. RNT/JGC