Langis taas-presyo ulit sa Martes

Langis taas-presyo ulit sa Martes

March 25, 2022 @ 8:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Muli na namang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, ayon sa unang apat na araw ng trading. 

Hanggang nitong Huwebes, nasa halos P8 na ang iminahal ng imported na diesel, lagpas P3 naman sa gasolina, at mahigit P8 sa kerosene. 

Gayundin, bumaligtad ang trend ng presyo ng liquefied petroleum gas kaya posibleng tumaas din ang presyo nito sa Abril 1. 

Matatandaang nitong Martes ay nagkaroon ng big-time na pagbaba sa presyo ng langis, na umabot sa P12 kada litro. 

Nauna naman dito ang 11 beses na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, bagay na itinuturo sa tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine. RNT/SA