Lani Cayetano, bagong alkalde ng Taguig

Lani Cayetano, bagong alkalde ng Taguig

May 11, 2022 @ 7:11 AM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Si Lani Cayetano ang nagwagi sa Taguig mayoral race.

Ipinroklama ng Taguig City Board of Canvassers si Cayetano at ang iba pang mga nanalo sa lokal na halalan noong Mayo 10.

Batay sa opisyal na bilang, si Cayetano, na tumakbo sa ilalim ng Nacionalista Party, ay nakakuha ng 272,876 boto para manalo laban sa karibal na si Arnel Cerafica ng Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP), dating Taguig-Pateros congressman, na nakakuha ng 87,266 na boto.

Papalitan ni Cayetano ang kanyang bayaw na si incumbent Mayor Lino Cayetano, na nagpasyang hindi tumakbo sa halalan.

Nanalo bilang bise alkalde si Arvin Alit, ang running mate ni Cayetano, laban kay Janelle Cerafica ng PPP at asawa ni Arnel.

Si Ading Cruz ng NP ay idineklara na kongresista ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros matapos talunin si Allan Cerafica ng PPP.

Sa Ikalawang Distrito ng Taguig, nanalo si Pammy Zamora ng NP bilang bagong congresswoman laban kay Che Che Gonzales ng PPP.

Ang mga nahalal na konsehal sa Distrito 1 ng Taguig ay sina Jaime Labampa, Gigi de Mesa, Tikboy Marcelino, Joy Panga-Cruz, Gamie San Pedro, Carlito Ogalinola, Commissioner Aquino at Totong Mañosca. Ang mga proclaimed District 2 councilors ay sina Nicky Supan, Jaime Garcia, Marisse Balina-Eron, Yasser Pangandaman, Jomil Serna, Ed Prado, Edgar Baptista at Alex Penolio. RNT