Lani Misalucha, semi-disabled na, bet magretiro!



Lani Misalucha, semi-disabled na, bet magretiro!

May 22, 2021 @ 9:02 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bacterial meningitis ang tawag sa sakit na dumapo kay Lani Misalucha at asawang si Noli noong isang taon.

Duda ng mag-asawa, nakuha nila ito nang minsang kumain sa isang restaurant.

Pagkabingi ang idinulot nito sa couple, pero ayon kay Lani: “Ako, nagkaroon ng konting improvement. Kaso my right ear is deaf.”

Ang asawa raw niya ang mas may malalang sitwasyon.

Dahil sa kanyang kalagayan, tanggap na raw ng Asia’s Nightingale na semi-disabled na siya.

Umabot din siya sa puntong gusto na niyang magretiro sa pagkanta.

Matatandaang noong kapanayamin siya ni Raffy Tulfo ay nag-abot ng tulong pinansyal ang brodkaster, bagay na ikinaantig ng puso ng singer.

Sa kabila ng kanyang partial deafness, tuloy pa rin sa pag-awit si Lani. Sa katunayan, may June concert sila ni Martin Nievera.

Sa pagbabalik noon ni Lani “The Clash” kung saan isa siya sa mga hurado’y aminadong kinakapa niya ang piyesang kinanta dahil sa hirap sa pandinig.

Hindi sapat ang maganda niyang tinig kung hindi nman niya naririnig ang kantang dapat niyang sabayan. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •