Lanzones festival, muling binuksan

Lanzones festival, muling binuksan

October 25, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY –Muling binuksan ang Lanzones Festival sa isla ng Camiguin matapos magsawa ng dalawang taon dahil sa pandemyang COVID-19.

Pormal na inilunsad nitong Lunes ng pamahalaan panlalawigan ang 2nd Camiguin Dive Fest Underwater Photo Contest, isa sa pinaka-sentro ngayon Linggo sa naturang pagdiriwang.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Candice Dael, ang nasabing pagdiriwang gaya ng photo contest ay suportado rin ng Department of Tourism in the Northern Region.

“This is a comeback of the Lanzones Festival and this is a way to celebrate hope… hope that our recovery will continue and at the same time thanksgiving that Covid-19 is no longer that detrimental,” ani Dael.

Sa loob ng isang linggong pagdiriwang ay magkaroron Banal na Misa susundan ito ng engrandeng parada ng masaganang ani ng prutas na lanzones kasama ang “Mutya sa Buahanan” float competition.

Ang “Buahanan” ay isang lokal na termino para sa mga lanzones.

Kasabay ng pagbubukas ng festival, inilunsad din ng pamahalaang panlalawigan para sa mga turista ang Agro-industrial and Tourism Trade Fair, ang Lanzones Festival Music Competition, at ang “Kabog” Showdown pagsapit ng hapon.

Ang “Kabog” ay isang lokal na termino para sa mga agila na nakita sa Mount Hibok-Hibok, ang pinakamataas na tuktok ng isla.

Gaganapin ang mga pangunahing kaganapan sa darating na Oktubre 28 at 29 kasama ang Mutya sa Buahanan pageant at ang Street Dancing Competition, ayon sa pagkakabanggit.

Ang taong ito ay ang ika-43 na edisyon ng pagdiriwang ng kasiyahan ng magandang ani at malaking tagumpay.

Samantala, mahigpit naman ipinag-utos ni Governor Xavier Jesus Romualdo na sumunod sa mga health protocol lalo na ang mga turista na dumadalo sa nasabing pagdiriwang. Mary Anne Sapico