Lapid nagpasalamat sa pagsasabatas sa Free Legal Assistance Act

Lapid nagpasalamat sa pagsasabatas sa Free Legal Assistance Act

September 21, 2022 @ 4:56 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Nagpasalamat si “Pinuno” kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa paglagda ng Lapid Law o ng Free Legal Assistance Act of 2010, gayundin sa kanyang mga dating kasamahan sa Senado na tumulong sa pagtulak nito upang maisabatas.

Binanggit din niya sina DOF Sec. Benjamin Diokno at BIR Commissioner Lilia Guillermo na tumulong sa pagbuo ng IRR ng batas na ito. Ang Lapid Law o ang RA No. 9999 ay naglalayon na hikayatin ang mga abogado at law firms na magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga hindi kayang magbayad sa pamamagitan ng mga tax incentives. Cesar Morales