Laplapan nina Jake at Sean, tinilian!

Laplapan nina Jake at Sean, tinilian!

December 20, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sobrang wild ang reaksyon ng mga movie goers sa dalawang beses na paglalaplapan ng lead actors ng pelikulang My Father, Myself na sina Jake Cuenca at Sean de Guzman. Naganap ito sa red carey premiere night ng pelikula na naganap sa Trinoma Cinema 6.

And perhaps this is the reason why R-18 ang naging rating ng MTRCB sa movie.

Hindi lang kasi laplapan at romansahan ang eksena nina Jake at Sean dahil meron din silang steamy lovescenes. Bukod dito ay mainit din ang sex scene ni Sean kay Tiffany Gray na gumanap na anak ni Jake sa movie.

Yes, tinuhog ni Sean ang mag-ama. Pero tinuhog din naman ni Jake ang mag-ama dahil bukod kay Sean ay laver din ng una ang gumanap na tatay ng pangalawa sa movie, si Allan Paule.

Take note dahil sa bawat love scene nina Jake at Sean ay walang tigil na hiyawan at “sana all” ang maririnig.

Maganda rin ang pagkakalatag ng kwento. And it’s very well acted.

The confrontation scenes between the various characters are all excellently performed. Pero nangingibabaw si Dimples Romana as a cheated wife who confesses that she knew from the start that Jake is hiding in the closet but she still married him because she loves him.

Sabi nga, pam-best actress daw ang tindi ng acting ni Dimples. Very intense ito.

Jake is equally good as the husband with a big secret, downplaying his scenes effectively.

Sean is also good.

Very well crafted ang pagkakagawa rito ni Direk Joel Lamangan.

Ang My Father, Myself ay isa sa mga MMFF 2022 entries at palabas na sa December 25. JP Ignacio