Lapulapu ‘di Lapu-Lapu – Duterte EO

Lapulapu ‘di Lapu-Lapu – Duterte EO

December 7, 2021 @ 6:43 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Executive Order 152 na nagbibigay direktiba sa public at private sector na nagtatama sa first Filipino hero bilang Lapulapu sa halip na Lapu-Lapu.

Tinukoy ng EO 152 ang naunang pagsasalin sa Latin alphabet ng pangalan ng bayani ng Mactan ay “Cilapulapu,” na mayroong “Ci”.

“Apparently being an honorific title from which founding heroes Jose Rizal and Juan Luna derived their own references to him as “Si Lapulapu. The name Lapulapu is understood to refer to the Filipino hero who bravely and victoriously fought in the Battle of Mactan [against the Spaniard colonizers] in the 16th century. Thus, all references to the name “Lapu-Lapu” in  EO No. 17, as amended, and EO No. 55, as amended, are hereby amended to read as Lapulapu,” ang nakasaad sa EO.

“Adopting a common rendering of the name of Lapulapu, so as to conform to earlier references, will aid in the education of our youth about Philippine history which is foundational to the formation of national identity,” ayon pa rin sa EO 152.

Bilang resulta, nagsasaad sa EO 152 na ang lahat ng government  agencies  at  instrumentalities, kabilang na ang government-owned or -controlled corporations, at state universities and colleges, ay inaatasan, at local government units, non-government organizations, civil society groups, at private sector “ay ipinag-utos na na i-adopt ang Lapulapu kapag ang tinutukoy ay ang pangalan ng unang bayaning Filipino.”

Gayunman, nakasaad pa rin sa EO na ang pangalan ng lugar na Lapu-Lapu gaya ng Lapu-Lapu City sa Cebu ay mananatiling Lapu-Lapu bilang sanggunian lalo pa’t ito’y itinatag ng batas. Kris Jose