Larawan ng mga guro sa bubungan para sa signal, peke – DepEd

Larawan ng mga guro sa bubungan para sa signal, peke – DepEd

October 10, 2020 @ 8:43 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw na peke umano ang mga larawang nag-viral kung saan makikitang nasa bubong ang mga guro na sumasagap ng data signal at internet connection, batay kay Education Secretary Leonor Briones.

Ipinaliwanag ni Briones sa isang panayam na tila ito ay isang ‘play’ o ‘musical’ dahil sa maayos na ‘blocking’

“Then on the day of school itself, there are mga fake photos na lumabas, hindi naman sa inyo, na klarong naka-pose para galing sa chorus line, na sabay-sabay nagre-raise ng mga kamay, nagtitingin sa camera, fully made-up,” punto ni Briones.

“And also in that town, ang daming cell sites.  Ang daming malalaking cell sites.  Kasi sabi walang ano, connectivity.  Kung walang connectivity paano napadala ‘yong mga photos na ‘yon?”

 “At saka kitang-kita naman na parang chorus line,” dagdag pa nito.

Kasabay naman ng kabi-kabilang paghihirap, may mga ilang guro pa rin ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga hirap para lamang magkaroon ng signal ngayong new normal sa pag-aaral. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...