Laro ng PBA tuloy kahit may  FIBA World Cup Asian qualifiers

Laro ng PBA tuloy kahit may  FIBA World Cup Asian qualifiers

February 7, 2022 @ 11:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Hindi ititigil ng PBA ang Governors’ Cup ang mga laro nito habang magaganap ang FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers sa huling bahagi ng buwang ito.

Ayon sa opisyal ng liga, nakipag-coordinate na sila sa mga venue pati na rin sa kanilang kasosyo sa telebisyon upang matiyak na magpapatuloy ang mga laro sa PBA kahit na ang FIBA ​​window ay on-going.

Ipagpapatuloy ng PBA ang Governors’ Cup nito sa Pebrero 11, habang ang FIBA ​​window ay magaganap sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Araneta Coliseum. Maglalaro ng apat na laro ang Gilas Pilipinas national team sa qualifying window.

“Tuloy pa rin ang PBA during the FIBA ​​window,” ani  PBA Chairman Ricky Vargas.

“Hindi titigil ang PBA,” ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio na siya ring team governor  ng Meralco Bolts.

Habang nagpapatuloy ang FIBA ​​window sa Big Dome sa Quezon City, lilipat ng PBA ang mga laro nito sa Ynares Center sa Antipolo, ayon kay league commissioner Willie Marcial.

“Nakipag-usap na nga kami kay ex-Mayor and Governor Junjun Ynares,. Nag-inspection na rin tayo two days ago. Baka Ynares Antipolo tayo and Araneta (ang venues),” ani Marcial.

Pumayag na rin ang PBA na ayusin ang schedule ng TNT Tropang GIGA, dahil nakatakdang maglaro ang mga miyembro ng koponan para sa Gilas sa darating na FIBA ​​window.

Ayon kay Vargas, “maglalaro ang TNT ng maraming laro hangga’t kaya nila” bago ang FIBA ​​qualifiers para tumutok sila sa Gilas.

“I think there will be time for Talk ‘N Text to be able to serve its role in Gilas,” ani Vargas.JC