Laro ni Kai, 36ers nilulutong gawin sa Manila

Laro ni Kai, 36ers nilulutong gawin sa Manila

November 17, 2022 @ 8:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-usap ang PBA sa National Basketball League (NBL) ng Australia upang gawin ang mga laro nina Kai Sotto at 36ers sa Pilipinas.

Ayon sa PBA, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa NBL upang mabuksan ang  iba’t ibang mga proyekto na maaaring magbigay pakakataon kay Adelaide 36ers center Kai Sotto na maglaro sa mga exhibition games laban sa mga lokal na manlalaro.

 Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na nagkaroon siya ng virtual meeting kasama si NBL commissioner Jeremy Loeliger at general manager for government relations Tristan Russell noong Miyerkules, na may isang memorandum of agreement na dapat gawing pormal sa lalong madaling panahon.

“Nag-meeting kami, gusto nila partnership with the PBA at league-to-league ito. NBL Australia sa PBA,” ani Marcial.

Sa ilalim ng partnership, ang PBA at NBL ay magsasagawa ng collaborations tulad ng outreach programs, coaching clinics, referee’s clinics, at exhibition games.

“Magdadala sila dito ng team or All-Star na one or two games,” ani Marcial, na tumutukoy sa mga posibleng aktibidad na malilinya sa ilalim ng partnership.

Pinaplantsa pa ang mga detalye ng pagtutulungan, ngunit ngayong pa lamang ay may posibilidad na maglaro si Sotto dito bilang bahagi ng partnership ng PBA-NBL.

Sinabi nila na binanggit nga nila si Kai na maganda ang nilalaro, okay ‘yung bata. Future NBA namin ‘yun. Okay sila. Baka dadalhin nila dito kung All-Star, kung sila ang kalaban namin,” ani Marcial.

Sinabi ni Marcial na iniimbitahan din ng NBL ang mga PBA teams o isang all-star selection na maglaro sa Australia. “Iniimbita rin tayo doon. Kahit ano, All-Star, team nila lalaro dito, team natin lalaro doon,” pagtatapos ni  Marcial.JC