Larong football pasisikatin sa Pilipinas

Larong football pasisikatin sa Pilipinas

July 19, 2022 @ 1:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasang sisikat sa bansa ang larong football matapos ang makuha ng Philippine Women national football team ang kampeonato sa katatapos na 2022 AFF Women’s Championship title.

Sa laban kontra Thailand nitong Linggo, lumabas ang maraming Filipino upang suportahan ang Filipinas sa laban kontra Thailand patunay ng kanilang interest sa laro.

Pinuno ng mahigit 8,000 ang Rizal Memorial Stadium at pinasigla ang mga Pinay sa kanilang finals match.

Bago ang laban, maligaya ang mga tao sa labas ng makasaysayang venue habang ang Ultras Filipinas ay nag-cheer para sa women’s team.

Para kay Filipinas head coach Alen Stajcic, ang Linggo ng gabi ay isang sandali kung saan nabuhay ang Filipino football.

“To see the crowd come alive and Filipino football come alive is just truly a transforming moment, hopefully, for the sport,” sabi ni Stajcic sa isang post-game conference.

“Sana mas maraming tao ang magkagusto sa sport, gustong maglaro ng sport, gustong lumabas at panoorin ang sport, at ang sport ay maaaring lumago at [maging] ang numero unong sport sa bansang ito tulad ng ibang bahagi ng mundo. “

Si Katrina Guillou, na umiskor ng pangalawang goal sa finals match, ay nagsalita kay Stajcic.

“We’re just feeding off that energy that everyone is cheering for us,” wika nito.

Ito ay isang makasaysayang gabi talaga para sa football ng Pilipinas ngunit sinabi ni Stajcic na hindi ito titigil doon.

Samantala, sinabi ni Guillou na umaasa siyang makagawa ng higit pang mga alaala para sa Pilipinas.

“Sana ay patuloy nating ipagmalaki ang mga ito at patuloy na itulak ang mga hangganan at lumikha ng mga bagong alaala kasama ang koponan at para sa bansa.”RICO NAVARRO