#LarongPinoy tweets ni Ethel Booba sa FIBrawl, trending

#LarongPinoy tweets ni Ethel Booba sa FIBrawl, trending

July 4, 2018 @ 4:45 PM 4 years ago


Sa gitna ng tensiyon at matinding emosyon dahil sa FIBrawl, bumida na naman si Ethel Booba sa mga post nito partikular sa naganap na rambulan sa Philippine Arena.

Sa kanyang #LarongPinoy tweets, inihalintulad niya ang serye ng mga screen captured photos mula sa nasabing FIBrawl sa mga Pinoy games na patok sa mga kabataan.

Kasama rito ang ‘Taya-tayaan’ kung saan makikita ang dalawang Gilas players na hinahabol ang isa sa mga Boomers.

Hindi rin nakaligtas ang tila Luksong Baka ng mga manlalaro.

At siyempre, kung may luksong baka, mayroon ding luksong tinik.

Pumalo na agad sa libo-libong likes, retweets at comments ang mga post ng komedyante.

Kilala si Ethel sa twitter world dahil sa mga napapanahon nitong mga tweet na naglalaman ng mga patutsada na pabiro pero malaman. (Remate News Team)