Las Piñas ‘friendship route stickers’ hindi ibinebenta – Mayor Aguilar

Las Piñas ‘friendship route stickers’ hindi ibinebenta – Mayor Aguilar

July 23, 2022 @ 12:53 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na ang mga ‘friendship route stickers’ ay libreng ipinamimigay ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng may sasakyan sa lungsod at hindi ito ibinebenta.

Ito ang paglilinaw ni Aguilar makaraang makatanggap siya ng report na mayroon nang friendship route stickers na kumakalat at nabibili sa mga online shops at Marketplace.

Nanawagan si Aguilar sa mga residente na huwag nang makipagtransaksyon sa mga mapagsamantalang tao tulad ng mga nagbebenta ng friendship route stickers sa online shops at Marketplace dahil libre lamang itong ipinamamahagi sa lungsod at peke ang mga ibinebenta nitong mga stickers.

Pinayuhan ni Aguilar ang mga indibidwal nan ais makakuha ng sticker na magparehistro sa https://bit.ly/LPCFriendshipStickerApp at siguruhing nakaprepara na sila sa lahat ng mga kinakailangang dokumento bago makakuha ng nabanggit na sticker.

Ayon kay Aguilar, ang mga kwalipikado na makakakuha ng libreng sticker ay ang mga may sasakyan na residente ng lungsod kung saan ang official receipt (OR) at certificate of registration (CR) ng nagmamay-ari ng sasakyan ay naniniarahan sa Las Piñas; kung hindi rehistrado sa lungsod ang sasakyan o dili kaya ito ay isang company-issued vehicle, ang nag-aaply ay kinakailangang magpakita ng katunayan na siya ay residente ng lungsod tulad ng driver’s license, proof of billing ng tubig, telepono at iba pa o dili kaya ay valid ID na nagpapakita ng may hawak ng sitcker ay naka-address sa Las Piñas.

Nilinaw din ni Aguilar na ang mga public utility vehicles (PUVs), buses, taxis, school buses, delivery trucks, vans, tricycles, at motorsiklo ay hindi kwalipikado na makakuha ng friendship route stickers. James I. Catapusan