Las Piñas LGU namahagi ng ‘Pamaskong Handog’

Las Piñas LGU namahagi ng ‘Pamaskong Handog’

December 24, 2022 @ 11:29 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na paahalaan ng Las Piñas ng Noche Buena package sa mga residente ng lungsod bilang bahagi ng ‘Pamaskong Handog’ ni Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar sa lahat ng mga Las Piñeros.

Kasabay nito ay kanyang inatasan si Vice-Mayor April Aguilar na mag-ikot sa lahat ng 20 barangay upang personal na mamahagi ng regalo sa mga residente ng lungsod para sa Pasko.

Masayang nakibahagi si Las Piñas Vice-Mayor April Aguilar sa pamamahagi ng Noche Buena package sa mga residente ng lungsod na bahagi ng ‘Pamaskong Handog’ program ni Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar. (Larawan ng Las Piñas PIO)  

Ang ‘Pamaskong Handog” ni Aguilar na nakalagay sa plastic canisters ay naglalaman ng spaghetti packs, fruit cocktails, 2 kilo bigas at iba pa ay makatutulong sa mga residente para kahit papaano ay mayroon silang maihahanda sa kanilang hapag-kainan sa darating na bisperas ng Pasko.

Sinabi ni Vice-Mayor Aguilar na nag distribusyon ng ‘Pamaskong Handog’ ay isinagawa sa piling covered courts sa 20 barangays sa lungsod.

Ayon pa kay Vice-Mayor Aguilar, nais ng alkalde na tumatayong parang tunay na ina ng mga taga Las Piñas Piñeros na maging masaya ang mga senior citizens, persons with disability (PWDs) gayundin ang mga kapos sa kabuhayan na mga residente ng lungsod na maging masaya sa selebrasyon ng Pasko.

Dagdag ni Vice-Mayor Aguilar na bukod pa sa distribusyon ng Pamaskong Handog, nais din ng mayora na kanyang ipakalat ang pagmamahal sa kanyang mga konstituwente. (James I. Catapusan)