Las Pinas LGU pasado sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping

Las Pinas LGU pasado sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping

January 20, 2022 @ 9:44 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo nitong Huwebes, Enero 20 ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar ang pagkakapasa ng lungsod sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Siinabi ni Mayor Aguilar na kinilala ng DILG ang mga naging hakbang ng Las PiƱas LGU sa pagpapanatili ng magagandang gawain nito sa fiscal accountability at transparency sa pamamahala sa lokal.

Base sa rekomendasyon ng DILG-Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS), ang Las PiƱas City ay kabilang sa tatlong lungsod na kinilala bilang DILGā€™s 2021 Good Financial Housekeeping Passers. Ang dalawang siyudad na kasama ng Las PiƱas ay ang Makati at Muntinlupa.

Inihayag pa ng alkalde na ang naturang pagkilala ay sertipikado at aprubado ng ahensya sa National Capital Region (NCR) na may petsang Nobyembre 5,2021.

Ayon kay Maria Lourdes Agustin, DILG Regional Director, na ang kriterya ay ibinatay sa katatapos lamang na available COA Audit Opinion at compliance with full disclosure policy.

Lubos na nagpapasalamat si Mayor Aguilar sa ibinigay na pagkilala sa Las PiƱas City government at nangakong ang kanyang administrasyon ay patuloy sa pagbibigay ng magandang pamamahala at mas maayos na mga serbisyo para sa mga Las PiƱeros. RNT