Las Piñas Mayor Aguilar at anak na vice mayor muling nanumpa sa kanilang tungkulin

Las Piñas Mayor Aguilar at anak na vice mayor muling nanumpa sa kanilang tungkulin

June 30, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


Nanumpa na sa kanilang tungkulin sina Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar at kanyang anak na si Vice Mayor April Aguilar na ginanap sa Mayor’s office nitong Huwebes (Hunyo 30).

Nanumpa ang mag-inang mayor at vice mayor kay Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Yu-Guray kabilang ang mga nagwaging konsehal sa nakaraangMayo 9 local at national elections.

Ipagpapatuloy ni Mayor Aguilar ang kanyang pagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga konstituwente para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng lungsod.

 

Nangako din ang mayora na ang pagpapatuloy ng serbisyo sa mga residente ng mas maayos pa sa pamamagitan ng programang “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo”.

Sinabi ni Aguilar na sa kanyang huling termino bilang alkalde ng lungsod, mas bibigyan nya ng importansya ang pagbibigay ng sebisyo sa pangkalusugan lalo na ang pagtuturok ng bakuna para na rin sa proteksyon ng mga residente laban sa COVID-19.

Umaasa din si Aguilar na ang mga bagong halal na mga konsehal sa pamamagitan ng Sangguniang Panglungsod sa ilalim ng pamumuno ni Vice-Mayor April na mas lalo pa rin nilang pag-iibayuhin ang kanilang pagtatrabaho at ipagpatuloy ang pagpapasa ng mga resolusyon at ordinansa upang maging progresibo ang lungsod sa ikabubuti ng mga residente ng Las Piñas.

Dagdg pa ni Aguilar na ang mga serbisyo at programa na nasimulan na ng kanyang administrasyon ay kanyang ipagpapatuloy na nangangailangan ng masidhing pagsisikap ng pagtatrabaho para sa ikabubuti ng lungsod na magbebenepisyo ang mga residente ng lungsod.

Kasama ng mag-inang Aguilar sa panunumpa kay Executive Judge Guray ay ang mga District 1 Councilors na sina Mark Anthony G. Santos; John Jess Anthony C. Bustamante; Felimon A. Aguilar III; Rex H. Riguiera; Oscar C. Peña at Florante S. Dela Cruz.

Ang mga nanumpa sa kanilang tungkulin na mga konsehal sa District 2 ay sina Councilors Henry C. Medina; Luis I. Bustamante; Ruben C. Ramos; Lord Linley R. Aguilar; Danilo V. Hernandez at Emmanuel Luis C. Casimiro. (James I. Catapusan)