Las Piñas, Parañaque, Pasay makararanas ng water interruption sa Dis. 13-14

Las Piñas, Parañaque, Pasay makararanas ng water interruption sa Dis. 13-14

December 13, 2021 @ 3:33 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Naglabas ng advisory ang Maynilad Water Services Inc. sa pagkakaroon ng emergency water interruption sa ilang lugar ng Las Piñas, Parañaque at Pasay City ng Disyembre 13 at 14.

Inabisuhan ng Maynilad ang kanilang mga customers na mawawalan ng suplay ng tubig sa iaing bahagi ng nabanggit na tatlong lungsod mula alas-10 ng gabi (Disyembre 13) hanggang alas-5 ng madaling araw ng Disyembre 14 (Martes).

Ang emergency water interruption ay magaganap bunsod sa gagawing pagsasaayos ng pasilidad ng Maynilad sa Pasay pumping station at ang kanilang mga apektadong customers ay makararanas ng mababang suplay ng tubig hanggang sa walang tubig na pumapatak sa gripo.

Ang mga apektadong barangay sa Las Pinas ay ang mga barangay ng BF International, CAA, D. Fajardo, E. Aldana, Manuyo Dos at Manuyo Uno.

Sa Paranaque City, ang mga apektadong barangay naman ay ang mga barangay ng Baclaran, BF Homes, Don Galo, La Huerta, Moonwalk, San Dionisio, Santo Nino, Tambo at Vitales.

Hinikayat ng Maynilad ang kanilang mga customers na mag-ipon na muna ng tubig na kanlang gagamitin habang isinasagawa ang pagsasa-ayos ng kanilang pasilidad sa mga nabanggit na araw at oras. James I. Catapusan