Lasenggo, tigok

Lasenggo, tigok

July 11, 2018 @ 2:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay na nang madiskubre ang isang lalaki na umano’y lango sa alak sa Quiapo, Maynila.

Sa sidewalk na inabutan ng kamatayan ang biktimang si Arlon Bulatao, 31, walang permanenteng tirahan.

Sa report ni PO3 Michael Marragun ng Manila Police District (MPD) homicide section, dakong 7:00 ng umaga nang makita ang malamig na bangkay..

Sa kabila umano nang pagkadanas ng stroke ang biktima ay hindi pa rin ito tumigil sa pag-inom at mayroon na rin itong iniindang karamdaman sa kanyang baga.

Hinalang muling inatake ang biktima, ilang oras bago ito natagpuang patay.

Bagama’t walang nakitang anumang sugat sa katawan, inaalam pa rin kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)