Lasing tepok sa pader

Lasing tepok sa pader

January 22, 2022 @ 8:43 AM 8 months ago


Aklan – Dedo ang isang lasing na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa pader kahapon ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Amador, 49 anyos ng Poblacion, Batan.

Batay sa report ng Altavas Police Station, dakong 5:00 PM kahapon ng maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Odiong, Altavas.

 Lumabas sa imbestigasyon, galing sa inuman ang biktima at nagpasya na itong umuwi sakay ng kanyang motorsiklo.

Habang binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok ito sa pader.

Tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Paulit-ulit naman nagpapaalala ang mga otoridad sa mga motorista na iwasan magmaneho kapag nasa impluwensiya ng alak./Mary Anne Sapico