Lasinggero, tigok sa lamayan

Lasinggero, tigok sa lamayan

December 16, 2021 @ 12:52 PM 10 months ago


Camarines Sur – Pinaglalamayan na rin ngayon ang isang lalaki matapos mabagok ang ulo nito sa semento nang bumagsak mula sa kanyang kinauupuan dahil sa kalasingan kahapon ng hapon sa lalawigan ito.

Kinilala ang namatay na si Alberto Trillanes, nasa hustong gulang, residente ng Zone 6, Barangay Sta Cruz sa bayan ng San Jose.

Batay sa report ng San Jose Police Station, nagtungo ang biktima sa lamay at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Sa dami ng nainom na alak ni Trillanes nalasing ito hanggang sa bumagsak mula sa kanyang kinauupuan at nabagok ang kanyang ulo.

Tinulungan naman ito ng kanyang mga kaibigan na bumangon at muling iniupo pero bumalik mas pinili ng biktima na humiga na lamang.

Ilang oras ang makalipas, napansin ng mga kaibigan ng biktima na hindi na ito humihinga kaya agad nilang dinala ito sa ospital subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico