Last movie ni Cherie, ipalalabas!

Last movie ni Cherie, ipalalabas!

November 10, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – May natatanging alaalang iniwan si Cherie Gil.

Ito ang pelikulang Elehiya na ginawa niya noon pang 2018.

Sa ilalim ng direksyon ni Loy Arcenas who also co-wrote the script with Raquel Villavicencio, nakatakdang lumaban ang Elehiya sa Asian New Wave Section ng QCinema Film Festival.

Ito’y magsisimula sa November 17 hanggang 26.

Cherie was able to wrap up work for the movie years before she discovered she had cancer.

Matatandaang pumanaw ang aktres nitong August 5 ng kasalukuyang taon sa New York.

Kung saka-sakali, posthumous award ang igagawad kay Cherie.

And if ever, masayang tatanggapin ito ng natitirang kapatid na si Michael de Mesa on Cherie’s behalf.

Cherie is survived by her three children, one of whom is sired by Leo Martinez while the two others by Cherie’s ex-husband Ron Rogoff. Ronnie Carrasco III