Lastimosa lumipat sa TNT

Lastimosa lumipat sa TNT

June 14, 2022 @ 2:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilayasan ni Jojo Lastimosa ang NLEX pagkatapos ng walong taon ng pagiging isa sa mga assistant coach nito para magtrabaho bilang team manager ng sister company nitong TnT.

Kinumpirma ni Road Warriors head coach at general manager Yeng Guiao ang development sa pamamagitan ng official website ng team noong Lunes ng gabi.

Nakatakdang palitan ni Lastimosa si Gabby Cui sa TNT post.

“Binigyan namin siya ng aming basbas dahil ito ay isang personal na pagsulong para sa kanya,” sabi ni Guiao. “Nagpapasalamat kami kay Coach Jolas para sa kanyang napakahalagang kontribusyon sa organisasyon ng Road Warriors at nais namin siyang swertehin sa susunod na yugto ng kanyang karera.”

Dagdag pa ni Guiao, hindi pa nakakahanap ng kapalit ang NLEX kay Lastimosa.

Si Lastimosa, isang maalamat na manlalaro ng PBA matapos manalo ng 10 titulo gayundin ang Rookie of the Year noong 1988, ay kabilang din sa mga opsyon ng San Beda University upang palitan ang dating head coach na si Boyet Fernandez.

Kamakailan, lumabas siya bilang guest sa “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast kung saan nagsalita siya tungkol sa kanyang basketball career.JC