‘Late’ BFAR AO implementation pinaiimbestigahan ng Ombudsman; opisyal nagpaliwanag

‘Late’ BFAR AO implementation pinaiimbestigahan ng Ombudsman; opisyal nagpaliwanag

November 26, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires ang imbestigasyon sa umano’y pagkaantala sa implementasyon ng Fisheries Administrative Order No. 195.

Sa kopya ng order na may petsang Biyernes, Nov. 25 na naka-post sa Twitter, ipinag-utos ni Martires ang imbestigasyon kubg bakit kamakailan lamang ipinatupad ang FAO No. 195 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kabila ng pagiging epektibo niyo mula 1999.

Pinapayagan ng nasabing FAO ang pag-aangkat, nang hindi kinakailangan ang certificate of necessity to import (CNI), ayon sa BFAR.

Ipinag-utos ni Martires sa kaukulang opisyal ng BFAR submit a sworn statement sa isyu sa loob ng three calendar days mula sa pagkakatanggap ng order.

Ang order ng Ombudsman ay ipinalabas ilang araw matapos ianunsyo ng BFAR na nagsasagawa ito ng information, education and communication campaign laban sa pagbebenta sa wet markets ng imported fish na hindi awtorisado.

Inihayag ng BFAR nitong Huwebes na sisimulan nitong kumpiskahin ang imported pampano at pink salmon na ibinenenta sa wet markets simula Disyembre 4, at sinabing iligal ang pagbebenta nito.

Subalit, inihayag nu BFAR executive Nazario Briguera na matagal nang ikinasa ang FAO No. 195.

“Hindi lang naman ngayon ipinatupad. In fact ‘yan ang ginagamit nating batas pagdating sa pagbibigay ng mga permit doon sa mga importers kapag ang kanilang market destination ay mga institutional buyers. Nagkataon lang talaga na nagkaroon tayo ngayon ng massive information dissemination campaign,” pahayag ni Briguera nitong Sabado.

“Base ito sa mga feedback sa mga nakaraan buwan na naging flooded talaga ang mga market ng mga hindi awtorisadong isda,” dagdag niya.

Sinabi oa bi Briguera na hindi lamang imported pink salmon at pampano ang ibinebenta sa wet markets. Mayroon pang ibang mga isda.

Inabiauhan ng BFAR official ng consumers aa wet markets na tanungin muna ang vendors kung may akmang permit ang nga ibinebentang isda. Kabilang dito ang local transport permit na ibinibigay upang saklawin ang imported na isda.

“Anumang uri ng imported na isda na walang kaukulang papeles at hindi awtorisadong ibenta sa wet market ay bawal,” ani Briguera.

“Kailangan nang pumasok ang pamahalaan para ma-regulate ito,” giit pa niya.

“Talagang nagsamantala sa import permit na ibinigay sa kanila,” aniya. RNT/SA