Latvia  kampeon sa World Cup

Latvia  kampeon sa World Cup

January 4, 2022 @ 1:01 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagwagi ang Latvia ng gold medal sa World Cup luge team relay noong Linggo, kung saan sumegunda ang Austria at pumangatlo ang U.S.

Tumapos ang Latvian team nina Eliza Tiruma, Kristers Aparjods at ang doubles nina Marlins Bots at Roberts Plume sa oras na 2 minutes, 24.294 segundo.

Sumegunda naman ang Austria’s team nina Madeleine Egle, Nico Gleirscher at doubles sled nina Thomas Steu at Lorenz Koller sa oras na 2:24.652.

Bronze medal naman ang nasungkit ng Americans na sina Summer Britcher, Tucker West at doubles team nina Chris Mazdzer at Jayson Terdiman sa natapos na oras 2:24.802. Nakuntento lamang ang Germany na kilalang lugar na nagniniyebe sa 4th place sa 2:24.955.

Ito ang ikalawang team relay medal ng season para sa USA Luge, na unang naka-silver sa season-opening relay sa bagong track sa Yanqing, China na gagamitin para sa Beijing Olympics sa susunod na buwan.

Sa kabilang banda nanguna naman ang Germany  sa top podium sa women’s race kung saan nanaig si Julia Taubitz (1:53.167) sa kapwa German slider na si Natalie Geisenberger (1:53.408) sa second heat para sa gold medal. JC