Laudiangco mananatiling Comelec acting spox

Laudiangco mananatiling Comelec acting spox

August 3, 2022 @ 6:36 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pinanatili ng bagong talaga na si Commission on Elections chairman George Erwin Garcia si Atty. John Rex Laudiangco bilang acting spokesperson ng poll body, Miyerkules.

Sa memorandum ngayong Agosto 3, sinabi ni Garcia na mananatili si Laudiangco sa kanyang pwesto “effective immediately.”

“You are to retain your designation as Acting Spokesperson of this Commission effective immediately. In the exercise of your duties, you shall report directly to the undersigned,” saad sa memorandum.

Nagsilbi si Laudiangco bilang tagapagsalita ng poll body sa saglit na panunungkulan ni Comelec chief Saidamen Pangarungan.

Itinalaga si Pangarungan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 9, subalit na-bypass ang nominasyon nila ni Garcia, ng bicameral Commission noong Hunyo.

Si Garcia ay matagal nang election lawyer kung saan kabilang sa kanyang mga datin kliyente sina Marcos, dating Manila Mayor Isko Moreno, Senators Grace Poe and Aquilino “Koko” Pimentel III at former senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao. RNT/SA