Launching ng Sta. Rosa Cockers Alliance, inaabangan

Launching ng Sta. Rosa Cockers Alliance, inaabangan

June 25, 2022 @ 8:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaabangan ng mga sabungero ang paglunsad ng Sta. Rosa Cockers Alliance (SRCA) na pinamunuan ni Richard “RIPER” Perez.

Inaasahang nasa 95 members ang lalahok sa SRCA at halos lahat ay mga commercial breeders at lumalaro sa Pitmaster Live o WPC Online Sabong.

Nakatakda ang launching ng SRCA sa Hulyo 5, 2022 (Martes) na gaganapin sa Summer Palace Restaurant, Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City sa alas-11 ng umaga.

Bukod kay Perez, ang ibang founder ng alyansa ay sina Dave Lao at Boy Royo.

Acting chairman ng execom at point person ng SRCA sina Royo at Lao ayon sa pagkaksunod habang tumatayong adviser si Perez

Si Perez ang may-ari ng pinakamagandang sabungan sa Laguna na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

Dahil sa magagandang pasilidad, maaliwalas at mga VIPs sa loob ng sabungan ay marami ang nagsasagawa ng big event sa RIPER Sports Mega Cockpit.

Maliban sa Sabong Nation, kasama rin sa coverage ng paglunsad ng SRCA ang ‘Sabong On Air’ kung saan ang host ay si Ka Rex Cayanong

Ang Pit Manager ng nasabing state-of-the-art na sabungan ay si Garry Tesorero.

][/vc_row]