Launching of campaign clean rider sa Calabarzon pinangunahan ni Gen. Carranza

Launching of campaign clean rider sa Calabarzon pinangunahan ni Gen. Carranza

August 1, 2018 @ 4:31 PM 5 years ago


Calamba City – Pinangunahan ni P/Chief Supt. Edward Carranza Regional Director ng PRO4 Calabarzon ang Installation/Tagging of Stickers sa mga motorsiklo sa Launching of Campaign Clean Rider, kaninang umaga na ginanap sa Camp Vicente Lim, Calamba City, na dinaluhan ng 500 Motorcycle Riders mula sa iba’t ibang lugar ng Calabarzon ,gayundin ang reperesentative ng Land Transportation Office.

Ang PNP Campaign Plan “Clean Rider” ay isang kampanya ng mga kapulisan upang mapanatili ang kasiguruhan at kaligtasan sa anumang uri ng krimen sa ating kapaligiran at lansangan, ang hakbang na ito para matugunan ang mga nagaganap na krimen na partikular na ginagamit ang motorsiklo na tinaguriang “Motorcycle Riding Suspects.“

Ang naturang sticker ng Clean Rider na nakadikit sa mga motorsiklo ang magsisilbing palatandaan  na ito ay dumaan na sa inspeksyon at nakarehistro , bukod dito magbibigay pa ng kaluwagan sa mga motorista kapag mayroong checkpoints. (Ellen Apostol)

REMATE FILE PHOTO: RENE SANDAJAN