Lav Diaz, Best Director sa 2020 Venice International Film Festival!

Lav Diaz, Best Director sa 2020 Venice International Film Festival!

September 14, 2020 @ 5:46 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Venice, Italy — Muli na namang umarangkada ang Pilipinas nang magwagi si Lav Diaz as Best Director para sa pelikulang ‘Lahi, Hayop (Genus, Pan)’ sa 2020 Venice International Film Festival sa Italy.

Ito ang ipinahayag ni Joel Saracho, isa sa mga artista ng pelikula.

“I am truly proud to be a part of this movie. Mainit na pagbati (warm greetings),” pahayag ni Joel.

Nagbigay muli ng karangalan si Lav para sa bansa nang mapanalunan niya ang kanyang tropeyo para sa Orrizonti, isang dibisyon ng pestibal na nagpapahalaga sa malikhain at natatanging obra maestra sa pinilakang tabing mula sa buong mundo. Katapat ito ng main competition. Walang takot ang Venice filmfest nang gawing live ang kanilang pestibal kahit na ang Italy ang isa sa mga napuruhan ng Covid-19 pandemic sa buong mundo. Hindi umatras ang Venice na gawing big physical gathering ang 77th La Biennale di Venezia.

Dumating ang batikang aktres na si Cate Blanchet na siyang tumayong head jury ng main competition samantalang si Clare Denis naman ang puno ng mga hurado na pinanalunan Lav.

Bukod kay Joel, tampok din sa ‘Lahi, Hayop (Genus, Pan)’ sina Hazel Orencio, DMs Boogaling, Lolita Carbon, Nanding Josef, Bart Guingona, Noel Sto. Domingo at Popo Diaz. Boy Villasanta


  •  
  •  
  •  

Loading...