Law enforcement agencies nagka-pangil vs cyber criminals sa SIM registration law – Abalos

Law enforcement agencies nagka-pangil vs cyber criminals sa SIM registration law – Abalos

October 11, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagkaroon ng “pangil” ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies laban sa cyber criminals matapos tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang SIM registration law.

Sa isang kalatas na ipinalabas ni Department of the Interior and Local Government (DILG)  Secretary Benjamin Abalos Jr., sinabi nito na ang Republic (RA) Act 11934 o SIM Card Registration Act ay isang welcome development “in fostering “accountability at all levels” in reducing electronic communication-aided criminal acts that are being widely committed in anonymity.”

“This new law will enable the Philippine National Police and other law enforcement agencies to quickly act on complaints and cases involving mobile scams as they will be able to easily track offenders and resolve misconduct involving telecommunication devices, ” ayon kay Abalos.

Sa pamamagitan ng batas na ito, sinabi ng Kalihim na   puwedeng pamunuan  ng DILG ang mga attached agencies at local government units (LGUs) na i-adapt ang demands ng digital world na  naglalayong tupdin ang mandato nito para i-promote ang kapayapaan at kaayusan at protektahan ang mga tao mula sa mga kriminal “in both offline and online space”.

“The DILG, its attached agencies, and regional offices commit to supporting this new law’s implementation, keeping in mind the best interest of the Filipino people,” wika ni Abalos.

Sa ulat, pirmado na ni Pangulong Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM Card Registration Act, bagay na “tutugon” di umano sa text scams at spams.

Sa kabila nito, maaari raw nitong mailagay sa alanganin ang personal na impormasyon ng publiko, ayon sa ilang communications technology professionals.

Idiniin ni Marcos Jr., Lunes, na magiging epektibong paraan daw ang paglagda niya sa Republic Act 11934 para maregula ang pamamahagi ng subscriber identity module (SIM) cards para masawata ang paglaganap ng spam text messages at scams.

Umaasa rin ang Pangulo na tatanggapin ito ng taumbayan ngayong kumakalat ang iba’t ibang krimen gamit ang mga cellphones at pagkalat ng scam at spam messages.

Ang RA 11934 ang unang batas na maipapatupad dahil sa aksyon ng chief executive.

Sa ilalim ng RA 11934, isasagawa ang sumusunod:

  • pagpaparehistro ng lahat ng SIM cards, dahilan para maobliga ang lahat ng public telecommunication entity o direct seller na magmintena ng SIM Card Register ng kanilang mga subscriber na maglalaman ng lahat ng impormasyong kailangan sa ilalim ng batas

  • kakailanganin nang magpresenta ng end users ng SIM cards ng valid identification document para ma-validate ang kanilang pagkatao

  • io-obliga rin ng batas na mairehistro ng mga telecommunications entities ang mga lumang SIM card phone subscribers sa loob ng isang takdang panahon

  • magtatakda ng parusa ang batas sa paggamit ng pekeng impormasyon sa tuwing nagrerehistro ng SIM card.

Pagtitiyak din ng gobyerno, magkakaroon naman ng proteksyon ng confidentiality at data privacy rights ng mga subscriber na siyang mangyayari oras na ibinenta ang SIM.

Sa kabila nito, maaaring pwersahin ang mga public telecommunication entity na ibahagi ang impormasyong nasa rehistro ng SIM card matapos makapagpaluwal ng subpoena o court order upang “mapigilan ang paggawa ng krimen gamit ang cellphones.” Kris Jose