Law enforcement pinalakas sa Navotas

Law enforcement pinalakas sa Navotas

October 15, 2022 @ 3:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Target ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas na mas palakasin at pagtibayin ang pagpapatupad ng mga regulasyon at ordinansang pinaiiral upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa kapaligiran.

Sa ika-100 araw ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang Navotas PNP ay nakahuli nang 10 Top Most Wanted at 31 Most Wanted na personalidad kabilang ang suspek sa pamamaril sa Barangay San Jose noong Hunyo 15 kasalukuyang taon.

Nakumpiska rin ng kapulisan ang P6,474,736 na halaga ng iligal na droga at P22,268 illegal gambling kasunod ng mga operasyon ng Navotas PNP mula Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, 72 katao na lulong sa paggamit ng droga ang nagtapos sa programang Bidahan ng lungsod isang community-based drug rehabilitation program at 70 ay drug-related o Text JRT reports at 1,660 indibidwal at mga hinihinalang gumagamit ng droga ang sumailalim sa drug-testing.

Habang nasakote naman ang 4,512 traffic at parking violators; 497 violators ang nagmulta sa anti-smoking at anti-littering laws at 32 sa iligal na pangingisda.

Pinangunahan ni Mayor Tiangco ang inagurasyon ng newly-renovated Navotas City Central Fire Station at ang konstruksyon ng Disaster Risk Reduction Management staging area at ang lungsod ay nakabili rin ng dalawang karagdagang trak ng basura na nakakolekta sa 82,179 kilos ng solid waste noong ika-37th International Coastal Clean-up.

Dahil dito, nakatanggap ang Navotas ng 2021 High Functional Anti-Drug Abuse Council, 2019 and 2021 Functional Local Peace and Order Council citations mula sa Department of the Interior and Local Government. R.A Marquez