Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA

Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA

August 3, 2022 @ 4:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito kay Pangulong Marcos para italaga siya bilang bagong FDA chief.

“He is qualified plus he has several distinctions so we are not sure if his being a personal physician factored into this considering he ticks all the boxes, meaning lahat ng requirements bilang FDA [chief] he fulfilled,” ayon kay Cruz-Angeles.

Aniya, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Zacate ay kilala bilang health advocate na may “years of expertise” sa medisina at medical consultancy sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

“He was a diplomate of the Philippine Society for Venereology and a fellow of the International College of Surgeons, dagdag na pahayag ni Cruz- Angeles.

Samantala, ang iba pang bagong appointees ay sina:

  • retired Brigadier General Roman “Popong” Felix – Secretary, Office of the Presidential Adviser on Military Affairs;

  • retired Major General Ariel Caculitan – OPAMA Undersecretary for Military Affairs;

  • retired general General Isagani Nerez – Undersecretary for Police Affairs; at

  • Attorney Nesauro Firme – Judicial and Bar Council. Kris Jose