Leading men ni Herlene, inilabas na!

Leading men ni Herlene, inilabas na!

October 4, 2022 @ 3:29 PM 2 months ago


Manila, Philippines – It’s confirmed!

Ayon sa aming source, makakasama ni Herlene Budol sa first starring role niya sa teleserye ng Afternoon Prime ng GMA bilang leading men sina Benjamin Alvez at at ang sinasabing mystery guy na si Rob Gomez. Si Rob ay nakasama sa Mano Po 1, first TV series ng Regal and GMA team-up production.

Ang working title daw ng soap ay Magandang Dilag na ididirek ni Jorron Monroy.

Bagay kay Herlene ang title ng series dahil pagkatapos niyang maging first runner up sa Bb. Pilipinas 2022 beauty pageant, biglang namukadkad ang beauty ng dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Bunga raw ito ng self-confidence ni Herlene.

Sa beauty ni Harlene, ‘di na siya puwedeng tawaging Hipon Girl. Total beauty na siya ngayon. Bukod pa sa may sexy body with good height na talagang pansinin ng lahat. Noel Asinas