Learning Management System inilunsad sa Pasay

Learning Management System inilunsad sa Pasay

November 18, 2022 @ 12:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang Learning Management System o LMS para sa City University of Pasay (CUP) upang makatulong sa pagtuturo ng mga personnel at estudyante sa pagsasagawa ng face-to-face classes gayundin ang blended at online learning.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang program ana tinawag na CUP Smartbook LMS ay iprinisenta sa Cuneta Astrodome nitong nakaraang Lunes, Nobyembre 14.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang CUP Smartbook ay maaaring mabuksan sa paggamit ng mobile phones, tablets at computers.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na maaari din na gamitin ito ng mga estudyante habang nagkaklase, pagsusumite ng assignments, eksaminasyon at iba pa.

“With the advent of this technology, we expect more engagement and more enrollees, without having to compromise safety, and without rigid implementation of face-to-face safety protocols,” ani Calixto-Rubiano. James I. Catapusan