Learning recovery program para sa ‘academic loss’ sa pandemya ikakasa ng DepEd

Learning recovery program para sa ‘academic loss’ sa pandemya ikakasa ng DepEd

January 15, 2022 @ 2:48 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education nitong Sabado na isusulong nito ang learning recovery program sa gitna ng suspensyon ng in-person classes dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Base kay DepED Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kinakailangan ang isang learning recovery program upang makabawi sa “learning loss” dahil sa kinahaharap na health crisis.

Subalit iginiit ni Malaluan na mayroon ding “gains” mula rito kabilang na ang realisasyon sa mga magulang na malaki ang kanilang papel sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

“Meron din tayo na skill na independent learning ay nahahasa sa mga estudyante natin,” pahayag niya.

“Pero hindi lahat nakaka agapay diyan kaya kailangan ng learning recovery at hindi ‘yan necessarily biglaan,” aniya pa.

Ayon pa sa Education official, parte ang learning recovery ng programa ng DepEd sa post-pandemic period.

“That will require a school-by-school assessment kung ano mga naiwan,” ani Malaluan.

“You have to have a directed learning recovery program that will be different case-by-case.”

“Based on that makikita kung ano ‘yung level ng estudyante ng competency niya at makikita kung sino ang kailangan ng intervention,” dagdag pa niya.