LEBEL NG TUBIG SA ANGAT DAM NANATILING NASA 195 METERS

LEBEL NG TUBIG SA ANGAT DAM NANATILING NASA 195 METERS

April 26, 2022 @ 6:46 PM 2 months ago


SA panayam ng inyong Agarang Serbisyo Lady, binanggit ni Dr. Sevillo “Bill” David, Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) Director David na ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 195.07 noong April 18, 2022, bahagyang pagtaas kung ikukumpara noong ika-4 ng Abril 2022, (6:00am) na nasa 190.75 metro lamang.

Base sa ulat kahapon (April 25, 2021) ang dam elevation mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, nasa 195.54 meters ang level ng tubig sa Angat Dam, 100.13 meters sa Ipo Dam at 78.82 meters sa La Mesa Dam.

 

Dahil sa patuloy o paminsan-minsan ang pag-ulan sa may paligid ng Angat Dam nanatiling nasa 195 meters ang lebel ng tubig.

Sa pamumuno ni Dr. David, patuloy ang pamamahala at pagbabantay ng NWRB sa lahat ng water sources sa buong bansa. Layunin nito ang pagbibigay ng maayos na serbisyo ng patubig tungo sa mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat Pilipino.

 

Hinihikayat niya na makiisa ang lahat sa paggamit nang tama ng tubig, “Napakahalaga ng tubig sa ating buhay. Huwag nating sayangin ang bawat patak para maseguro na may tubig pang magagamit ang mga susunod na henerasyon.”

 

Sa gitna ng pangamba na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna sa publiko na mananatili ang NWRB sa itaas ng sitwasyon dahil na rin sa mga isinasagawang hakbang upang maging sapat ang suplay ng tubig sa panahon ng tag-init.

“The NWRB will be in the forefront of monitoring the water level of the Angat Dam and putting contingency measures in place. While we are experiencing low water levels in the Angat Dam, the NWRB has already made its move to solve the looming problem,” saad ni Sampulna.

 Ang NWRB ay attached agency ng DENR na responsable sa pamamahala at regulasyon ng lahat ng water resources at services sa bansa.

Magkasamang paalala at pakiusap ang iniwan ni Dr. David para sa lahat – tumulong sa wastong paggamit ng tubig, lalo na ngayong panahon ng tag-init. Sa patuloy na pagtaas ng water demand, maging mas responsible sa paggamit nito upang hindi danasin ang kakulangan sa tubig.